Hindi na nakapagpigil pa si Kylie Verzosa at sinupalpal na ang isang “matandang” netizen matapos pakialaman na nito ang daring na wardrobe at magrekomenda pang balutin na ng aktres ang kaniyang katawan.
Matapos ang kaniyang much-deserved na Boracay trip ay diretsong France agad ang beauty queen para sa ilang fashion projects kamakailan.
Bagaman balot na sa kaniyang coat at mahahatang patung-patong na layer ng damit na ang kaniyang suot sa isang partikular na Instagram post, hindi pa rin nakaligtas si Kylie sa konserbatibong netizen.
“Try mo mag Abaya! Ung Black outfit sa Saudi Arabia [p]ara naman mysterious ang dating! Kita na naming lahat eh,” walang an-anong suhestyon ng netizen kay Kylie.
Kilalang hindi mapagpatol sa kaniyang bashers pagdating ng katawan at pananamit, tila nasagad naman ang pasensya ni Kylie at bumira na pabalik sa naturang basher.
“Mommy try mo only fans baka mas exciting for you,” maikling saad lang ni Kylie.
Isang netizen ang nakapag-screenshot sa burado nang interaksyon online ngunit sa isang reposted na Instagram story ni Kylie nitong Lunes, nakunan ng dagdag na reaksyon ang aktres.
“ABANGAN NATIN ONLYFANS NI MOMMY CAROLINE! Hahahahhahahahahhaha ang funny pls. Dapat iba nadin ig ng mga matatanda!!!” ani Kylie.
Matatandaang nakilala si Kylie sa kaniyang matagumpay na Miss International bid noong 2016. Kilala ang Japan-based brand ng beauty pageant bilang isa sa pinaka-konserbatibo.
Nang sumabak sa kaniyang acting stint, sa ilang pelikula, dito na unti-unting nasilayan ng publiko ang sexy image ni Kylie.
Parehong sexy image ito na siyang nagpanalo rin sa kauna-unahang Distinctive International Arab Festival Awards (DIAFA) 2022 ng aktres, isang kasaysayan para sa isang Pilipinong aktor.