Tinulungan ng YouTube star na si MrBeast ang isang libong indibidwal na makita muli nang malinaw ang mundo sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang operasyon sa katarata.

“Here’s the thing, 200 million people see the world like this,” pahayag sa unang bahagi ng Youtube video ni Jimmy Donaldson, mas kilala bilang MrBeast, habang pinakikita ang isang malabong imahen.

“But I just made it one less,” dagdag niya at doon na ibinahagi ang nakaaantig na mga kuha ng iba’t ibang taong natulungan niya bago at matapos ang kanilang operasyon.

“They can’t see but we have all the technology to fix it,” ani Donaldson sa video.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

“Half of all the blindness in the world is people who need a 10-minute surgery,” sagot naman dito ng nakatulong niyang ophthalmologist at surgeon na si Jeff Levenson, habang pinatutungkulan ang cataract surgery.

Bukod sa pagsagot sa kanilang operasyon, namigay rin si Donaldson ng cash donations at iba pang regalo sa ilang mga natulungang pasyente.

“Not only we are helping people here in America, but we’re also going to other places around the world. Because unfortunately, nearly half the population with curable blindness doesn’t have access to this surgery,” pahayag ni Donaldson sa huling bahagi ng video. “So I wanted to provide this to as many people as possible.”

Trending ngayon sa YouTube ang naturang video na umani na ng mahigit 44 million views.