"Kung saan ito gagastusin ni babae eh is not your problem anymore. Labas ka na dun. Diskarte na nila yun."

Tila nakakarelate ang online personality na si Xian Gaza sa aktor na si Paolo Contis hinggil sa pagbibigay ng sustento sa kani-kanilang mga anak. 

"This message is not from a point of hate but from a point of a man na kaparehas mong may dalawang ex na naiwanan ng anak," paunang pahayag ni Gaza sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Enero 29.

"I understand kung bakit hindi ka nagbibigay ng sustento because you have your personal reasons. Maaaring lulong sa sugal si babae or sinusunog lamang niya ang pera sa mga luho o baka naman may lalaki siya na pinagkakagastusan.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Hindi napupunta sa kapakanan ng mga anak mo yung pera. Those are the possibilities. Nauunawaan kita. That's why pinili mo na lang mag-ipon ng separate savings account para sa mga bata dahil wala kang tiwala sa dalawang babae. I understand that," paglalahad nito.

Ikinuwento ni Gaza ang pinagdaanan nila ng nanay ng anak niyang babae. Dumating daw sa punto na siniraan siya nito sa social media at kahit hindi sila nag-usap ng walong buwan, pinadadalhan pa rin niya ng sustento ang anak kada unang linggo ng buwan sa pamamagitan ng abogado niya.

Kaya naman nirelate ito ni Gaza sa sitwasyon ngayon ng aktor.

"Paolo, no matter what issues you have with their moms, kesyo hindi napupunta sa tama yung sustentong ipinapadala mo, obligasyon mo pa ring magpadala ng fixed amount every month para sa araw-araw na gastusin ng mga bata," aniya.

Hindi na rin daw problema ni Paolo kung saan ginagastos ng babae yung sustento dahil diskarte raw iyon ng ina.

"Kung saan ito gagastusin ni babae eh is not your problem anymore. Labas ka na dun. Diskarte na nila yun. Iniwanan natin sila ng mga anak na papalakihin ng ilang taon at araw-araw aalagaan habang tayo ay nagbubuhay-binata eh that's the least that we can do for them.

"Sobrang hirap maging ina jusko! Regular sustento na lang sana."

Kamakailan, isa sa mga napag-usapan sa maiksing panayam ni King of Talk Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” kay Kapuso actor Paolo Contis ay ang paglilinaw sa paratang ng dating karelasyon ng aktor na hindi ito nagbibigay o nag-aabot ng sustento sa anak.

Bago kasi ang Kapuso actress na si LJ Reyes, hiniwalayan ni Paolo ang kaniyang ex-partner na si Lian Paz, at may dalawang anak siya rito na sina Xalene at Xonia.

Ani Paolo, totoong hindi siya nakakapagsustento sa mga anak dahil may rason daw siya kung bakit niya ginagawa ito. Pero nilinaw niyang nag-iipon siya ng pera upang siya mismo ang magbibigay nito para sa kaniyang mga anak, pagdating ng tamang panahon.

BASAHIN ang buong pahayag:https://balita.net.ph/2023/01/28/paolo-contis-aminadong-sumasablay-sa-sustento-sa-mga-anak-but-im-saving-for-them/