Pinagmulta na ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hotshots assistant coach Johnny Abarrientos matapos mag-dirty finger kay Converge import Jamaal Franklin sa kasagsagan ng kanilang laban sa PBA Governors' Cup sa Antipolo City nitong Linggo ng gabi.

Sa pahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial, ₱10,000 ang mullta ni Abarrientos dahil na rin sa insidente.

Humingi na ng tawad sa kanya si Abarrientos na umaming uminit lamang ang ulo dahil sa pang-aalaska sa kanila ni Franklin pagkatapos tumira ng tres na nagpalaki pa ng kanilang bentahe, 111-105, 1:05 na lang ang natitira sa fourth quarter.

Dumaan si Franklin sa bench ng Magnolia kung saan kabilang sa nakatayo si Abarrientos at sinabihan umano silang umupo na hindi ikinairita ni Abarrientos.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Dahil dito, nag-dirty finger si Abarrientos sa harap ni Franklin na kitang-kita sa telebisyon.

Sa naturang laban, pinulbos ng Converge ang Magnolia, 111-109.