Dinakip ng mga tauhan ng Aviation Security Group ng pulisya ang isang 59-anyos na babae matapos magbiro na may bomba sa sinasakyang eroplano sa Davao International Airport nitong Linggo.

Sa ulat ngCivil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nakilala ang pasahero na siAnnabelle Macose.

Kaagad siyang inaresto kahit nakasakay na sa Cebu Pacific flight 5J97 dahil sa pagbibiro na may bomba sa eroplano dakong 6:28 ng gabi, 17 minuto bago ang nakatakda sanang biyahe nito patungong Manila.

Kaagad silang humingi ng tulong sa Davao Control Tower at pinababa ang 220 pang pasahero.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matapos ang dalawang oras na paghalughog sa eroplano, walang natagpuang bomba ang mga awtoridad.

Dakong 9:11 ng gabi nang makaalis ang eroplano sa nasabing paliparan.