Posible umanong bahagi ng nawawalang Cessna plane ang naispatan ng mga residente sa Divilacan, Isabela.

Ipinaliwanag ni Isabela Provincial Information Division officer Joshua Hapinat sa isang radio interview, dakong 6:45 ng umaga, Linggo, nakatanggap siya ng impormasyon na namataan ng mga residente ang posibleng debris ng eroplano sa gilid ng bundok sa Barangay Sapinit, malapit lang sa Brgy. Dicaruyan, Divilacan.

Nagresponde na aniya ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Divilacan sa lugar upang ang impormasyon.

Sinabi naman ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) chief Constante Foronda, tugma ang nasabing impormasyon sa nauna nang pahayag ang isang magsasaka sa lugar na nakarinig umano ng ugong ng eroplano bago maganap ang insidente nitong Enero 23.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kamakailan, sumugod na rin sa lugar ang tatlong grupo ng mga sundalo mula sa 95th Infantry Battalion (IB) upang tumulong sa paghahanap sa six-seater na eroplano (RPC 1174).

Matatandaang nag-takeoff sa Cauayan Airport ang nasabing eroplano dakong 2:15 ng hapon ng Lunes.

Gayunman, hindi na ito nakarating sa Maconacon Airport. 

Dadalo sana sa libing ng kaanak ang limang pasahero nang maganap ang aksidente.

Kabilang sa sakay ng Cessna plane ang pilotong siCapt.Eleazar Mark Joven, at limang pasaherong sina TommyManday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra, XamSeguerra,at Josefa Perla España.