Umani ng standing ovation ang naging performance ng drag queen na si Lady Gagita sa katatapos lang na finale concert ng "Drag Den Philippines" na ginanap sa SM Aura Samsung Hall.

Pinerform ni Lady Gagita “Applause” mula sa 2013 MTV Video Music Awards ng international pop superstar na si Lady Gaga na ilang taon niya nang ini-impersonate.

Kinagaliwan ng netizens at ng live audience kabilang na ang direktor na si Antoinette Jadaone ang nasabing performance ng drag queen.

“You really have to see Lady Gagita perform live to appreciate how talented she is. Lagi ka talagang pasabog sa bawat performance mo, ito talaga yung laging sulit-bayad!!! Salamat Gagita, what a performance last night!!! #DragDen,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/tonetjadaone/status/1618869333278724096?s=46&t=onmD6WgZhhIexQT8XBHcYQ

Sa isang post, sinabi nitong masaya siya sa mga positibong comments sa kanya.

Bagama’t hindi pinalad na manalo sa “Drag Den Philippines,” markado na sa drag scene ang tubong Davao na drag queen, na siyang magsisilbing host sa pinaka-bagong drag reality TV show na “Mudrakels.”

“Katulad ko, nangarap din akong maging isang magaling na drag queen. It took me years to finally have my own moment. This time, ako naman ang magbibigay katuparan ng mga pangarap. Andito na ang show para sa mga nangangarap, #Mudrakels! Coming soon!,” lahad ni Lady Gagita.

Mapapanood ang “Mudrakels” sa YouTube channel ng Feel Good Studios na eere ngayong taon.