Matapos ang pasabog na pilot week, kaniyang-kaniyang espekulasyon ang netizens sa mga susunod na tagpo sa pinaka-bagong teleserye ng ABS-CBN na “Dirty Linen.”

Tampok sa teleserye ang paghihiganti ni Alexa, ang karakter na ginagampanan ni Janine Gutierrez laban sa pamilya ng pumatay sa kaniyang nanay na si Olivia na ginampanan naman ng batikan at award-winning na aktres na si Dolly De Leon.

Palaisipan sa netizens kung sino nga ba ang bumaril sa karakter ni De Leon dahilan upang ma-hook at pag-usapan ito. Sa isang tweet, sinabi ng isang netizen na maaring ang batang karakter ni Zanjoe Marudo na si Aidan ang siyang naka-patay dito.

“Ang nakapatay kay Dolly ay si Aidan. Kaya may takot sya sa dugo. He was playing with what he thought was a toy gun,” aniya.

Joel Torre, trending dahil sa Dirty Linen; Janine Gutierrez, di-nagpalamon sa aktingan

https://twitter.com/alt3rbicolano/status/1619224652450234368?s=46&t=MMD4bHYVVq0WrkBqRhUptw

Trending din ang unang pagtatagpo ng mga karakter nila Chiara at Nico na ginagampanan ng teen stars na sila Francine Diaz at Seth Fedelin.

Tila nag-alala naman ang ilan sa posibilidad na mag-pinsan ang mga karakter nila na binigyang linaw naman ng isa pang netizen na ipinaliwanag sa kanyang tweet thread ang mga di umano’y posibleng twist sa teleserye.

“So mukhang si Seth ay anak ni Liza Diño kay Epi Quizon no? 2006 yung video ng scandal and 2007 start where Liza said 1yo anak niya. By that technicality, hindi sila magiging mag-pinsan ni Francine na mukhang anak ni John Arcilla kay Dolly de Leon,” saad ng user na si Nicol (nikowl).

https://twitter.com/nikowl/status/1619168973492477952?s=46&t=MMD4bHYVVq0WrkBqRhUptw

Samantala, nagpasalamat naman ang Dreamscape Entertainment sa mainit na pagtanggap sa kanilang teleserye na siyang mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV5. Ibinahagi pa nila ang naisulat na artikulo ng Balita Online tungkol sa pagiging trending ng batikang aktor na si Joel Torre.