Trending ang beteranong aktor na si "Joel Torre" matapos ang episode 5 ng pinag-uusapang teleseryeng "Dirty Linen" ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.

Screengrab mula sa Twitter

Talaga namang pinag-usapan ng mga netizen ang pilot week ng Dirty Linen dahil sa world-class nitong cinematography, musical scoring, plot, at acting prowess ng cast.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Sa episode na "#DLVideo", napanood ng karakter nina Joel at Janine ang scandal video ng nawawalang asawa ni Joel, na naging biktima rin ng karakter ni Epy Quizon.

Walang diyalogo subalit kitang-kita sa facial expression at mga mata ng aktor at pinagsama-samang inis, galit, lungkot, at sakit nang makita ang kaniyang pinaghahanap na asawa, at dahilan kung bakit maghihiganti siya sa pamilya Fiero.

Kaagad naman siyang dinaluhan at inawat ng karakter ni Janine upang hindi mabulilyaso kaagad ang kanilang mga plano.

"Gustong-gusto ko na rin silang patayin 'Tay, pero may tamang panahon…" linya ng karakter ni Janine na si Mila/Alexa.

Agad na nag-trending ang pangalan ni Joel Torre sa Twitter at sinariwa ng mga netizen ang husay sa pag-arte ng batikang aktor.

"This whole performance got me. sa mga linya ni Janine, gugustuhin ko na ring sumama sa paghihiganti nila. and of course, Joel Torre is THE Joel Torre, I am speechless."

"Joel Torre’s acting is soooo intense! The way his eyes speaks for his heart and mind. Ramdam mo yung gigil at galit! GRABE!! #DirtyLinen #DLVideo."

"Ramdam mo yung nag-uumapaw na galit! Galing!"

"The Joel Torre, everyone! Napakagaling!"

"THIS SCENE RIGHT HERE!! Joel Torre is a veteran actor for a reason, and he is showcasing it right now! And Janine Gutierrez?! Her acting is superb! Dirty Linen is really a home of great and veteran actors! #DirtyLinen #DLVideo."

Isa pang netizen ang binalikan pa ang mahusay na pagganap ni Joel sa pelikulang "Oro, Plata, Mata" kung saan 41 taon na raw ang nakalipas, muli raw pinatunayan ni Joel ang angking-husay sa pag-arte, eksakto sa petsa ng pag-ere ng episode 5.

Patuloy na pinupuri ngayon si Janine dahil sa husay na ipinakikita niya sa pag-arte, lalo't hindi raw siya nagpalamon sa aktingan kay Joel Torre sa naturang eksena.