Tila nag-fangirl sa sariling anak si Lotlot de Leon nang iflinex sa kaniyang social media ang ngayo’y viral short cover ng unico hijo na si David Gutierrez.

Ang tanging lalaki lang sa apat na mga anak ng ex-showbiz couple na sina Loltlot at Monching ang nag-iisang inclined sa musika sa kanilang pamilya.

Kaya naman viral sa panibagong short cover si David matapos ibahagi ng proud mom sa kaniyang social media ang fangirl moment sa sariling anak.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Fan mo ako anak!🥰🎶🎸💕” mababasa sa caption ng celebrity mom.

Dito kinanta ng kaniyang unico hijo ang 2015-hit na “History” ng “One Direction.”

Kaniya-kaniyang kilig at paghanga naman ang hatid ng cover sa netizens na parehong hinangaan ang husay sa pagkanta ni David at nakuhang good looks nito sa kaniyang mga magulang.

Kabilang sa mga nag-react sa video na nag-iwan pa ng heart at clapping emojis ang batikang aktres na si Teresa Loyzaga.

“International star material!” sey ng isang follower ni Lotlot sa Instagram.

“Super blessed si Lot and Mon ang mga anak nila bukod sa guwapo at ang gaganda talented pa!” segunda ng isa pa.

“Grabe ang guwapo na ang ganda p ng boses!”

“Sarap sa tenga ng boses mo Diego😍!”

Pagpansin pa ng ilang fans ng kaniyang magulang, kaboses umano ni David ang amang si Monching noong kabataan nito.

“Kaboses mo papa mo! Just like bagets days! 😍 👏👏👏👏”

“Super pogi ni Diego at ang galing kumanta🎸🎶!”

Anang isa pang follower, mana rin ang star-in-the-making na Gutierrez sa kaniyang lola na si Pilita Corales, ang tinaguriang “Queen of Asia’s Songs.”

Samantala sa Facebook, tumabo na sa mahigit 25,000 reactions at mahigit 227,000 views ang parehong video ni Diego sa page ng kaniyang ina.