Kasunod ng rebelasyon kamakailan ni Kapuso star Alden Richards sa napasong ugnayan nila ni “Maria Clara at Ibarra” star Julie Anne San Jose, lumitaw ngayon muli ang naging tugon ng aktres sa isang online press conference ukol sa isyu.

Paglilinaw ni Julie noong 2021, maayos ang estado ng pagkakaibigan nila ng aktor, bagay na nabaggit din ni Alden sa panayam ni “King of Talk” Boy Abunda.

“First of all, okay po kaming dalawa. We are good. Okay po kami sa ‘All Out Sundays’ even when we see each other, nakakapag-‘hi,’ ‘hello’; nagkakaroon naman ng mga usap-usap here and there,” kumpiyansang saad ni Julie nang matanong sa isang ">online press conference noong 2021 pa.

Matatandaang matagal ding hiningi ng fans ang panig ni Alden ukol sa isyu na para naman kay Julie ay hindi na dapat pang pinalaki pa.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“For me, parang hindi naman kailangan. I just want to clear it out na wala naman po talagang issue between us. I mean ako, wala pong kaso sa akin at all,” ani Julie.

Sunod pa niyang iginiit muli ang pagkakaibigan nila ng aktor.

“Okay naman po kami, I’m in good terms with him. Saka ‘yung mga issues before parang ibaon na natin sa limot ‘yun kasi 2021 na and that’s what we need right now. All we need right now is to help each other especially ngayong pandemic na ‘to kasi marami nang nangyayari sa mundo so why focus on the negative ones,” tila pagsita na ng aktres sa isang showbiz reporter.

“Wala naman kahit anong ganoong tensyon between us,” paglilinaw pa rin Julie pa rin ukol kay Alden.

Basahin: ‘It was my fault’: Alden Richards, inaming nakamabutihan, nasaktan noon si Julie Anne San Jose – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan ang diretsang pag-amin ni Alden na nasaktan niya noon ang singer.

“I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. ‘Yun po ‘yung inihingi ko ng sorry sa kanya. It’s a long time [ago]. Parang naiwan ko po siya,” pagsisiwalat ni Alden.

“’Yung part po kasi kay Julie Anne, ‘yun po ‘yung parang pinakamabigat,” anang Kapuso star.

Sa ngayon, wala pang panibagong reaksyon ang actress-singer sa muling pagkakaungkat ng isyu.