Iniutos na ng Philippine government ang pagsuspindisa employer ni JullebeeRanara, ang overseas Filipino worker (OFW) na pinatay at sinunog sa Kuwait nitong Enero 22.

Ito ang kinumpirmaniDepartment of Migrant Workers (DMW)Undersecretary Bernard Olalia sa isang pulong balitaan nitong Sabado.

Dahil dito aniya, pinagbabawalang kumuha o mag-hire ng OFW ang employer ni Ranara hanggang sa ito ay mai-blacklist ng gobyerno.

Gayunman, tumanggi munang isapubliko ni Olalia ang pagkakakilanlan ng employer ni Ranada.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Bukod dito, inihahanda na rin ng DMW ang paghahain ng kaso laban sa recruitment agency ni Ranara sa Pilipinas at sa foreign recruitment agency nito.

Nangako rin ang DMW na pupulungin nito ang mga local recruitment agency na nagpapadala ng mga household workers sa Kuwait upang talakayin ang usapin.

Nitong nakaraang Linggo, natagpuan ng mga awtoridad ang sunog na bangkay ni Ranada sa disyerto sa Kuwait matapos paslangin ng 17-anyos na lalaking anak ng amo nito.