Umagaw ng atensyon muli sa maraming netizens ang natural modeling skills ng panganay na anak nina Cheska at Doug Kramer na si Kendra.

Sa viral na ngayong TikTok video tampok ang kamakailang shoot ng 13-anyos na online star, kapansin-pansin na ang natural na chemistry ni Kendra sa harap ng kamera.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Effortless ang pagpapalit ng emosyon sa mukha ng dalagita na tila senyales na sa nahasa na niyang modeling skills.

As usual, tanging paghanga lang ang nasambit ng maraming netizens para sa malalang glow up ni Kendra.

“Sana nilaklak ko na lang yung nesfruta dati!”  pabirong saad ng isang netizen patungkol sa dating hit TV ad ni Kendra.

Future Miss Universe? “Grabe may future ‘to sa pageantry!!!” sey ng isang fan.

Matatandaang noong 2022, instant viral din si Kendra matapos hulaan na ang future ng maraming netizens bilang susunod na Pinay Miss Universe.

Basahin: Kendra Kramer, pang-supermodel at Miss U ang beauty, sey ng mga netizen – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilan pang netizens ang nakapansin sa pagkakakawig ni Kendra kay dating Miss Universe Catriona Gray, sa aktres na si Julia Barretto at kay “Darna” star Jane De Leon.

“Grabeng mukha yan. 😭 Walang kapintasan! ❤️”

“Pwedeng pambato sa Miss Universe! ❤️❤”

Sa pag-uulat, nasa mahigit 1.7 milyong likes na at mahigit sampung milyong views na ang inani ng viral TikTok video sa pag-uulat