Dahil patok na patok ngayon sa online world ang Singapore-based social networking app na "Bondee," hindi nagpahuli si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian.

 

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya ang picture ng avatar niya sa naturang app at maging ang itsura ng tila opisina niya. 

"May Bondee na ba ang lahat? Syempre, hindi ako magpapahuli! Kamukha ba, Valenzuelanos?" saad ni Gatchalian sa caption.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Kaya naman may mga netizen na naka-relate at hinihingi ang ID ng alkalde para maging "neighbors" sila.

"Paki drop po ID para neighbors po tayo 😆"

"ang cote mo mayor HAHAHAHA"

"visit mo naman room namin, mayor!"

"drop code po mayor"

Ang Bondee ay isang Singapore-based social networking app kung saan isa raw itong "virtual plaza" na puwedeng makipag-interact ang mga users sa kapwa nila.