Patuloy pa ring nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga tauhan ng Philippine Army (PA)-95th Infantry Battalion (IB) sa bahagi ng Sierra Madre mountain sa Isabela kaugnay sa nawawalang Cessna plane mula pa nitong Enero 23 ng hapon.

Tatlong grupo nabinubuo ng 33 sundalo mula sa nasabing military unit na bahagi ng 5th Infantry Division (ID) ang kabilang sa naghahanap saCessna 206 single-engine plane na nawawala matapos mag-takeoff sa Cauayan Airport dakong 2:15 ng hapon.

Nitong Sabado, Enero 28, sinusuyod pa rin ng mga ito ang kagubatang bahagi ng Barangay Dicambangan at Sapinit sa Divilacan; at Brgy.' Dibuluan sa San Mariano.

Matatandaang inaasahang lalapag sana sa Maconacon Airport ang eroplano dakong 2:45 ng hapon. Gayunman, hindi na ito nakarating sa lugar at hindi na rin ma-contact ng air traffic controller.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kabilang sa sakay ng eroplano sinaCapt.Eleazar Mark Joven (piloto), at mga pasaherong sina TommyManday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra, XamSeguerra,at Josefa Perla España.