Tinatayang aabot sa ₱7 milyong halaga ng puslit na produktong petrolyo ang nabisto habang ibinibiyahe ng 10 tripulanteng sakay ng isang barko sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Area Police Command-Western Mindanao operations chief, Col. Richard Verceles, ang mga inaresto na sina Kashmeer Abao, 41; Sajid Hassan, 51; Jimmy Pulahan, 48 Hadji Caesar Utuali, 65; Hadji Manuel Kesun, 64; Te Teteng Meran, 32; Gurano Japar, 42; Jamala Hussin, 18; Kolongan Nasilin, 52; at, Raymond Abdul, 23.

Naharang ng mga miyembro ng Police Maritime Group ang kargamento lulan ng ML Shaira sa karagatang sakop ng Tandubas, Tawi-Tawi nitong Enero 28, dakong 3:30 ng madaling araw.

Karga ng nasabing barko ang 590 drum ng petroleum products na aabot sa ₱7 milyon, ayon kay Verceles.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa report, natuklasan na nagmula sa Malaysia ang barko at patungo na sana sa Zamboanga City nang masabat ng pulisya.

Under custody na ng Police Maritime Group sa Bongao, Tawi-Tawi ang mga suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.

Philippine News Agency