May patikim na pasabog si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa masugid na fans para sa nalalapit na “Solo” concert sa susunod na buwan.

Nakatakdang magbalik sa concert scene ang OPM icon sa Performing Arts Theater, Circuit Makati sa darating na Pebrero 17-18 at 24-25.

Basahin: Songbird, ‘Solo’ sa apat na araw na concert sa Pebrero 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos ang “Iconic” US tour kasama si Megastar Sharon Cuneta noong 2022, ang “Solo” ang unang solo live comeback concert ni Songbird matapos ang tatlong taong Covid-19 pandemic.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Patikim na hirit na ni Songbird sa isang tweet nitong Huwebes, “Ang exciting ng isang song!!!! Pero isang song pa lang 😂😂😂#SOLO kaya yung mga baklang wala pang tickets ha nako kilala ko kayo good luck na lang sa inyo ha! 😂😂😂

https://twitter.com/reginevalcasid/status/1618552050878656513

Kilalang suki at icon ng mga bakla si Regine sa bansa na kadalasa’y peg pa ng mga impersonator, drag queens at hindi maitatatwang may malaking impluwensya ang icon sa kabuuang pop culture ng Pilipinas.

Ilang fans naman ang may kaniya-kaniyang nang hiling para sa setlist ni Songbird.

“Kween! Sing mo please ang love me again sachrue? Saka if may covers sa setlist sana pov by Ariana. love you Songbird!” sey ng isang fan.

“MAKIKITA NA KITA ST MAKAKAUSAP MAMAMATAY ATA AKO IN FRONT OF YOU MA????????????????” kuwelang saad ng isa pang Reginian.

“WAIT LANG MS. REG!! WAG MUNA. Charot! 🥹Mga vaklaaa, kilala na pala ni ms. Reg mga wala pang tickets alam niyo na. 🫣

“Ate, sana may "You Were There" sa line up. 😭😭😭!”

“Ateee nakaka excite namaaann waaaah 🤩🤩🤩

Kamakailan, ipinagdiwang ni Songbird ang ika-35 anibersaryo sa showbiz.