Tila may napagtanto ang Queen of All Media na si Kris Aquino hinggil sa palaging sinasabi ng kaniyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

Bahagi ng kaniyang Instagram post na tribute para sa kaniyang yumaong ina, sinabi ni Kris na may na-realize siya sa palaging sinasabi ng kaniyang ina. 

Ayon umano kay Cory, magkakaroon lamang daw si Kris ng successful relationship kung mahahanap nito ang male version niya. 

Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanan ng aktres, napagtanto niya na hindi na niya kailangan ng isang tao para "makumpleto" siya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“You told me many times, I’ll only have a successful relationship if I find your male version… but with all I’ve been through I finally see so much of you in me – what I’m trying to say Mom is I’m no longer looking for someone to complete me," ani Kris.

"Finally realized the truth in what you’d always say to me: ‘Kristina, know your worth.’ Yes MOM I do," dagdag pa ng aktres. 

KAUGNAY NA BALITA: https://balita.net.ph/2023/01/27/kris-aquino-may-mensahe-sa-inang-si-cory-ibinahagi-rin-ang-pakikipaglaban-sa-sakit/

Matatandaang ilan din ang naka-relasyon ni Kris Aquino. Kagaya nina Joey Marquez, Herbert Bautista, Philip Salvador, James Yap, at ang pinakahuli ay si Mel Sarmiento.