Bakit nga ba tila pribado masyado at malimit lang pag-usapan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang kanilang pagkakamabutihan?

Ito ang naungkat sa panayam ni Karen Davila sa aktres nitong Huwebes kung saan natanong nga si Janine kung ano na ang score nila ng aktor ngayon.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“I don’t know how to answer without him here, pwede bang mag-take two na lang ‘pag kasama siya?” pabirong pag-iwas ni Janine sa tanong.

Bagaman tila ayaw magsalita pa ng dagdag na detalye, aminado si Janine na “espesyal” ang relasyon nila ng aktor.

“Hindi ka na rin naman mag-iinvest ng oras sa isang bagay na wala lang,” sey ni Janine.

Dito sunod na binalikan ng aktres ang muling pagkikita nila ni Paulo matapos ang ilang taon

“I saw him kasi parang mga five years ago pa. Then we saw each other na lang nung nag-shooting kami nung ‘Ngayon Kaya,’" paglalarawan Janine sa kanilang naging reunion para sa hit-2019 film na kamakailang sumabog din sa Netflix.

“When I met, para [siyang] inilawan,” dagdag ng aktres sa naging impresyon kay Paulo.

“I think we’re happy. We’re the type of people who are medyo mas private din which sure is annoying to our fans and to other people. Pasenysa na kayo,” prangkang saad ni Janine.

Basahin: ‘Iba ‘yung pinili’: Janine Gutierrez, inaming dream role noon si ‘Amihan’ sa remake ng ‘Encantadia’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Aniya pa, dala rin ng kaniyang naging karanasan noong kabataan ang personal na pasya.

“Lumaki kasi ako na nakita ko ‘yung breakup ng parents ko na plastered on the news, and things about it so sana maintindihan nila kung bakit ako ganito,” aniya.

Labindalawang taong-gulang lang noon si Janine nang maghiwalay ang kanilang mga aktor na magulang na sina Ramon Christopher Gutierrez at Lotlot de Leon.

Pag-amin ng aktres, hindi naging madali noon para sa kanya ang lahat lalo na’t bukas sa publiko ang naging relasyon noon ng kaniyang mga magulang.

Dagdag ni Janine, ito rin ang malalim na dahilan kung bakit sa edad na 33-anyos, hindi pa rin nakikita ng aktres na magkapamilya na.

“Siguro it goes back lang din to my upbringing na my mom said to take my time so I really took that to heart,” ani Janine.

“Gusto ko sana na ‘pag ikasal ako, hindi kami maghihiwalay. Medyo overthinker ako sa ganyan,” dagdag niya.

Sa huli, walang diretsang naging sagot si Janine kaugnay ng tunay na score nga ng relasyon nila ni Paulo.

Gayunpaman, halata namang masaya ang estado ng puso ng aktres ngayon.

Basahin: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong 2021, matatandaang inamin din ni Janine na nag-date sila ni Paulo noong 2017.

Lumevel-up na kaya ito sa wakas?