May pilyang sagot na si OPM singer Moira Dela Torre sa isang Pinoy fan na kuwelang hiniling sa singer na magbitbit ng danggit kasabay ng kaniyang concert tour sa Qatar.

Ito ang kuwelang komento ng “Kumpas” singer sa isang social media post ng Royal Sports and Events kamakailan na siyang may hawak sa show ni Moira sa Qatar.

Muli kasing inimbitahan ni Moira ang fans sa Middle East kamakailan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pabirong komento niya, “Kita-kita po tayo jan sa Qatar, dala ko na po ‘yung danggit ni kuya.”

Basahin: ‘Bayaran ko dito’: Netizen na manunuod ng concert ni Moira sa Qatar, nag-request ng danggit sa singer – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang viral kamakailan ang komento ng tila Pinoy sa Qatar na nagpapasabay sa singer ng sikat na danggit.

Napa-“hanep” na lang ang singer sa laugh trip na komento.

Sa panibagong sagot ni Moira, instant viral muli ito na naghatid ng parehong good vibes sa netizens.

Sumagot na rin ang “Boy ulam Lutong bahay” kay Moira na matatandaang pasimuno ng viral na “pasabuy.”

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 82,000 reactions ang screenshot ng komento ni Moira na makikitang burado na rin sa orihinal na Facebook post.

“Parating na ang danggit doha qatar!😂” sey ng fan page na "Best of Moira" sa naturang viral post.