Pitong Chinese ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos mabutas ang sinasakyang barko habang sila ay nangingisda sa Eastern Samar nitong Huwebes.

Kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG sakay ng BRP Cabra makaraang matanggap ang ulat hinggil sa insidente.

Tuluyang nailigtas ang pitong mangingisda sakay ng kanilang Chinese fishing vessel na FV KAI DA 899 na pinapasok na ng tubig matapos mabutas sa karagatang sakop ng Suluan Island, Guiuan, Eastern Samar nitong Biyernes.

Hinila na rin ng PCG ang FV KAI DA 899 patungong Tacloban Port.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasa maayos na ang kalagayan ng mga mangingisdang Chinese, ayon pa sa PCG.