Ipinasilip na ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa publiko ang kanilang unang supling na si Baby “Peanut.”

Ito ang makikita sa magkakahiwalay na social media post ng mag-asawa nitong Biyernes.

View this post on Instagram

A post shared by Jessy Mendiola - Manzano (@jessymendiola)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Mama & Papa love you so much, our little Rosie,🌹” mababasa sa caption ni Jessy sa larawang ibinahagi sa Instagram.

Pinangalanang Isabella Rose ng mag-asawa ang unang anak habang “Baby Peanut” naman ang palayaw na napili ni Luis.

Agad na pinanggigilan ng ilang kasamahan sa showbiz ang unang pasilip ng mag-asawa kay Baby Peanut.

“Napakaganda ng batang iyan! ❤️😘” komento ng lolong si Edu Manzano.

Pinusuan din ang larawan nina Alex Gonzaga, Lara Quigaman, Sandra Aguinaldo, bukod sa iba pa.

Ilang netizens din ang nanggigil na agad sa larawan ni Baby Peanut.

“Grabe te!! Ang ganda ng mata😍😍😍!” sey ng isang netizen.

“Kalahati palang yan pero napa ka gwapo na ang ganda ng mata nag aabang na naman ang mga pangit na busser!”

“Our little XIAO LONG BAOOOO CHEEKS Rosieee!”

“Can’t wait to see her pictures but I’m sure she is very pretty congratulations to the parents. ❤️”

“Let's wait till she can laugh and take away all our worries, babies laugh are adorable! ❤️❤️❤️”

“So gorgeous! Eyes pa lang! 😍”

“Too obvious her Mama's eyes and mestiza too. Epic beauty! 😍”

“Wowww!! Mata pa lang yan napaka cute na! So happy for you both. God bless your little family❣!”

Kamakailan, naging usap-usapan ang patanggi ni Luis na ibahagi na sa publiko ang kabuuang larawan ng anak.

Basahin: Luis Manzano, binasag ang basher na umokray sa baby nila ni Jessy Mendiola – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi rin pinalagpas ng TV host ang kamakailang pambabash na ng ilang netizens sa wala pang musmos na sanggol.

Sa huli, ang mag-asawa pa rin ang may sariling pasya kung itatago nila sa publiko ang unang supling lalo pa't pareho silang public figure na.

Congrats, Luis at Jessy!