Nakakumpiska na naman ang gobyerno ng₱9.49 milyong halaga ng puslit na sibuyas sa magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga City kamakailan, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Sa unang operasyon, hinarang ng BOC-Port of Zamboanga ang₱2,598,400 halaga ng 1,624 sakong sibuyas habang sakay ng isang bangka.

Kumpiskado naman sa ikalawang anti-smuggling operation ang 4,308 na sakong sibuyas na nagkakahalaga ng ₱6,892,800 habang lulan ng bangkang MJ Marissa sa Varadero de Cawit sa Barangay Cawit, Zamboanga City nitong Enero 23.

Ayon sa BOC, ang kargamento ay walang Sanitary at Phytosanitary Import Clearance mula sa Department of Agriculture (DA)-Bureau of Plant Industry.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, nangako ang BOC-Zamboanga na paiigtingin pa nila ang anti-smuggling operations alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.