ISABELA -- Humihingi ng dasal ang kaanak ng mga pasaherong lulan ng nawawalang Cessna 206 RP-C1174 sa Isabela. 

Sa isang panayam sa radyo sa Isabela, nanawagan si Anna May Kamatoy na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa pangyayari.

Aniya, lulan ng nawawalang eroplano ay ang dalawa niyang anak at dalawa pang kaanak. 

"Please huwag nyo na dagdagan ang nararamdaman kong sakit kasi prayer lang kailangan ko, hindi iyong pambabash ninyo, hindi iyong gusto ninyo magpasikat," saad niya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"Ang kailangan ko lang po ay prayer for their safety to come home," dagdag pa niya. 

Samantala, nagbigay naman ng ilang larawan ang 5th Infantry Division ng Philippine Army sa kanilang isinagawang search and rescue operation nitong Huwebes, Enero 26.