Sa latest vlog ng social media star na si Zeinab Harake, nasilayan ng kaniyang milyun-milyong followers ang kaniyang pagpa-fangirl sa ultimate idol na si Kapuso royalty Marian Rivera.

Ito nga ang mga tagpong ibinahagi ng YouTube vlogger sa kaniyang latest upload nitong Martes.

Kasama ang ilan pang brand endorsers ng skincare ni Rhea Tan na Beautederm, espesyal na panauhin ng event kamakailan ang Kapuso couple na sina Marian at Dingdong Dantes.

Naroon din ang mga stars kabilang na si JC Santos, Buboy Villar, Sunshine Garcia, Darla Sauler at kapwa vlogger na si Jelai Andres.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pagbabahagi ni Zeinab, personal siyang nagpresenta kay Rhea na makasama sa event para lang makasalamuha ang ultimate idol na si Marian.

Basahin: Online star Zeinab Harake, kinilig nang ma-meet ang Kapuso royalty ‘DongYan’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi rin aniya siya nagpabayad pa ng talent fee (TF).

Naging sulit naman ang lahat nang mapaluha na lang ang online star nang makadaupang-palad sa wakas si Marian.

Ilang beses pa niyang nayakap ang Kapuso aktres na aminado niyang pinepeg ang mga style nito.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 821,000 views ang naturang vlog.

Maraming subscribers din sa YouTube ang naaliw sa nasaksihang pagpa-fangirl ni Zeinab.