Isang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na may sakay na dalawang piloto ang bumagsak sa isang palayan sa Pilar, Bataan nitong Miyerkules ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni PAF spokesman Col. Ma. Consuelo Castillo at sinabing ang nasabing SIAI-Marchetti SF260 light aircraft na bumulusok saSitio Tabon, Barangay del Rosario, Pilar, dakong10:34 ng umaga, ay ginagamit sa pagsasanay ng mga sundalo.

“We confirm that we have an aircraft that crash landed in Pilar, Bataan this morning. We cannot confirm yet if there are fatalities because we’re still gathering information from the ground but there were two pilots onboard,” paglalahad ni Castillo.

Gayunman, tumanggi muna si Castillo na isapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawang piloto.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa paunang ulat, dakong 9:59 ng umaga nang umalis sa Sangley Point sa Cavite ang nasabing training aircraft.

“The base of our SF260s is in Sangley so the pilots took off from there and they usually go around the area for a recurrency training,” aniya.

"We have the SPYDER tracker to monitor our aircraft but we lost track of the trainer at 10:34 a.m.,” banggit ni Castillo.

Idinagdag pa ni Castillo, nagpadala na sila ng mga imbestigador sa lugar.

Martin Sadongdong