Sa pagbabalik-telebisyon na ni “King of Talk” Boy Abunda nitong Lunes sa bago nitong show sa Kapuso Network, ilang mapanuring netizens ang nakapansin sa anila’y mala-art show na disenyo ng studio ng kaniyang programa.

Makulay, matingkad at maliwanag – ito ang mapapansin sa bagong studio ng TV host sa programang “Fast Talk With Boy Abunda.”

Dahil nga rito, usap-usapan tuloy ang paksa sa isang Facebook community na inihambing pa ang studio sa sikat na programang pambata ng Kapuso Network noon, ang “Art Angel.”

“Why naman po parang prod set ng Art Angel yan Tito Boy? The design is very art attack,” sey ng Facebook uploader sa isang group.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ilan pang tila kritisismo sa partikular na aspeto ng programa ang tinalakan pa ng dagdag na netizens.

“Off brand,” sey ng isang group member.

“Bet on Your Boy Abunda pala ano,” segunda ng isa pa.

“Bawal na sex or chocolates dito!” hirit ng isa pa.

“Dapat kasi minimalistic lang ang design. Nag mukhang pambatang show eh,” sey ng isa pa.

“Makulay ang buhay, sa sinabawang gulay!”

“The design is very cocomelon!”

“Kahit gaano kagaling artist pag nasa GMA nppunta. Alam na🤧🤣!”

“Ansakit sa eyes ng color combination. Di ata gumamit ng color wheel. Charot!”

“Parang studio ng magandang buhay! Hahaha”

Umabot na sa mahigt 8,000 reactions at mahigit 1,500 shares ang naturang post sa pag-uulat.

Sa ngayon, wala namang reaksyon ang programa sa obserbasyon ng netizens.