DAVAO CITY - Sinampahan na ng kaso si dating Presidential Security Group (PSG) commander Brig. Gen. Jesus Durante kaugnay sa pagiging umano'y mastermind sa pagpaslang isang negosyante at modelong si Yvonnette Chua Plaza sa Green Meadows Subd., Barangay Tugbok sa naturang lungsod noong Disyembre 29, 2022.

Sa isinagawang pulong balitaan, isinapubliko ni Police Maj.Eudisan Gultiano ng Special Investigation Task Group (SITG), kabilang lamang si Durante sa siyam na kinasuhan ng murder sa Office of the City Prosecutor ng Davao City.

Bukod kay Durante, kinasuhan din ang walong may kinalaman umano sa pamamaslang na sina Philippine Army-1001st Infantry Brigade (IB)deputy commander Col. Michael D. Licyayo, Staff Sgt. Gilbert Plaza, Staff Sgt. Delfin Llarenas Sialsa Jr., Corporal Adrian N. Cachero, Private First Class Rolly Cabal, Private First Class Romart Longakit, Noel H. Japitan, at isang alyas “Junior.”

Ipinagharap naman ng kasong obstruction justice ang isang "Master Sergeant" na sinasabing escort ni Durante.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ikinatwiran ni Gultiano, itinuro ng isa sa testigo si Sialsa na bumaril kay Plaza habang nagsilbing driver naman ng motorsiklo si Cachero.

Si Licyayo aniya ang nagbigay ng impormasyon upang matunton at paslangin si Plaza.

Matapos ang krimen, tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Umamin aniya ang mga suspek na si Durante ang nag-utos sa kanilang upang paslangin si Plaza.

Sinabi rin Gultiano, narekober sa mga suspek ang ninakaw na mobile phone, handbag, ID, at credit card ni Plaza.

Dahil dito, naghain din ng kasong theft ang mga awtoridad laban kina Plaza at Cachero.

Matatandaangnag-post sa social media si Plaza kung saan inilantad ang mga pasa nito sa mukha na umano'y kagagawan ni Durante. Nag-viral ang mga larawan matapos patayin si Plaza.

Narekober din ng mga awtoridad ang laptop ni Plaza kung saan nakapaloob ang mga larawan at mensahe ni Durante.

“We were able torecover Macbookfrom houseof the victim containing photos and email messages of Gen. Durante,” sabi ni Gultiano.

Dahil sa palitan ng mensahe sa pagitan nina Plaza at Durante, nakumpirma ang relasyon ng mga ito, ayon naman kay Police Regional Office-Davao director, Brig. Gen. Benjamin Silo, Jr.

“Based on the testimony of the witnesses, there were instances that Durante got jealous but we are looking into other factors that ledintothis senseless killing,” aniya.

Nauna nang itinanggi ni Durante ang alegasyon.

Dahil dito, sinibak na ni PA chief Romeo Brawner, Jr. si Durante sa kanyang puwesto bilang hepe ng 1001st IB dahil na rin sa kaso.

"The Philippine Army will not condone any criminal act committed by its personnel," pagdidiin ni Brawner.

Antonio Colina IV