Isang rebelasyon ang ibinahagi ngayong Miyerkules ni Kapuso star Alden Richards kaugnay ng pagkakamabutihan nila noon ni “Maria Clara at Ibarra” star Julie Anne San Jose.

Ito nga ang highlight sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan natanong nga ang aktor sa ilang mga na-link na stars sa kaniya noon na muntikan na niyang makatuluyan.

Isa nga rito ang Kapuso singer, actress, at host na si Julie.

“I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. 'Yun po 'yung inihingi ko ng sorry sa kanya. It’s a long time [ago]. Parang naiwan ko po siya,” pagsisiwalat ni Alden.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Dito sunod na ibinahagi ng aktor na naging mabigat para sa kaniya ang kinahantungan nila noon ni Julie.

“'Yung part po kasi kay Julie Anne, ‘yun po ‘yung parang pinakamabigat,” anang Kapuso star.

Inabot pa aniya ng anim na taon bago pa muling nakausap ni Alden si Julie, pagbabahagi niya.

“Naniniwala po kasi ako na time heals everything and mahirap po kasing ipilit na gusto mong magkaayos kayo. Pero 'yung panahon, hindi pa tama, kasi sariwa pa po 'yung sugat. Hindi po natin madidikta sa puso natin kung kailan gagaling yun. It really depends upon the person,” pagpapatuloy ni Alden.

Kaya noong mabigyan ng pagkakataon, personal na hiningi ni Alden ang kapatawaran kay Julie.

“So Sunday Pinasaya, rehearsal, may green room po tayo sa Studio 7. Nung kami na lang dalawa na lang sa green room, ni-lock ko po yung pinto. And then I talked to her,” kwento ni Alden.

“I’m really sorry for what happened. Iniwan kita. There’s no one to blame but me and sana napatawad mo na ako,” mga nasabi aniya kay Julie nang makausap na ito muli.

"May term po ako na ginamit… 'I was an assh*le… I was an assh*le and I am very sorry. Sana mapatawad mo na ako,” ani Alden pa sa aktres.

Kahit na inabot ng ilang taon, noon lang din umano naramdaman ni Alden na may kinimkim rin siyang bigat.

“Parang may relief po sa kalooban, na parang for the longest time iniiwasan ko rin po siya pero noong nangyari yung moment na ‘yun, may dala pala rin ako,” pagtatapos ng aktor.

Paglilinaw ni Alden, matalik na magkaibigan sila ngayon ni Julie na ngayo’y nali-link at masaya na kay Kapuso actor-host Rayver Cruz.

Sa parehong panayam, maliban kay Julie ay inamin din ni Alden ang noo’y chika ng pagkakamabutihan din nila ni Wynwyn Marquez.

Wala pang reaksyon ang dalawang Kapuso stars kasunod ng mga pagbubunyag ni Alden.