Isang piloto at limang pasahero ang sakay ng nawawalang Cessna plane RPC 1174 sa Isabela nitong Martes, Enero 24.

Kabilang sa sakay ng eroplano si Capt. Eleazar Mark Joven (piloto), at limang pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra, Xam Seguerra, at Josefa Perla España, ayon sa pahayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa report ng CAAP, dakong 2:15 ng hapon nang mag-takeoff sa Cauayan Airport ang eroplanong patungong Maconacon.

Gayunman, hindi dumating sa Maconacon Airport ang nasabing sasakyang panghimpapawid matapos ang huling pakikipag-usap ng piloto nito sa air traffic controller dakong 2:19 ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa isang television interview, sinabi ni CAAP Spokesman Eric Apolonio na dakong 2:45 ng hapon ang inaasahang pagdating ng eroplano sa Maconacon.

Matapos aniyangmawalan ng contact ang air traffic controller sa eroplano, agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad.

Gayunman, nabigo ang mga ito na mahanap ang eroplano dahil sa sama ng panahon.