Patay ang dalawang piloto ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na bumulusok sa Pilar, Bataan nitong Miyerkules ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Staff Sergeant Edgardo delos Santos sa panayam sa telebisyon.

Aniya, patay na ang dalawang piloto pagdating ng kanyang grupo sa pinangyarihan ng insidente sa Sitio Tabon, Brgy. del Rosario.

Inaalam pa aniya nila ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ni Delos Santos, napansin ng mga residente na gumegewang sa ere ang eroplano bago ito bumagsak.

Nauna nang tiniyak ng pamunuan ng PAF na iimbestigahan nila ang insidente upang matukoy ang sanhi nito.