Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Miguel Igi Boy Concio mula sa Los Baños, Laguna, tampok ang mga isaw na tila perfect ang pagkakatuhog.

“Kapag perfectionist ang nag set up ng ISAW 😅. Excellent Condition 🔥” caption ng naturang post.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Concio na napadaan sila kagabi sa ‘Obeng food cart’ sa Brgy. Mayondon sa Los Baños upang bumili ng ihaw-ihaw. Nang makita raw nila ang pagkaka-ayos ng isaw na tinda doon, namangha sila kaya agad niya itong kinuhanan ng larawan.

“Tinanong ko po kung sinong nag-ayos ng isaw. Ang sabi niya, po siya daw po. Tapos nag-share po ‘yung asawa niya na ayaw daw po ni Mang Ver na siya ang nagtutuhog kasi po hindi daw po pantay,” natatawang kuwento ni Concio.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Sinabi naman daw ni Mang Ver na inaayos talaga niya ang pagtutuhog ng mga paninda nila para mas tangkilikin sila ng mga bumibili.

Ayon kay Concio, hindi naman nakapagtataka kung laging sold out ang mga tinda nila dahil sa ₱20 na halaga, may masarap at perfectly arranged isaw ka na.

Maging sa online world naman ay naging patok na ang isaw ni Mang Ver dahil umani na ang post ni Concio ng mahigit 19,000 reactions, 3,200 comments at 12,000 shares.