Itinala ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong Lunes, Enero 23, na umakyat sa 11 ang mga nasawi sa Bacolod City, Negros Occidental, dulot ng leptospirosisnoong 2022.

Ayon kay Dr. Grace Tan, CESU head, apat sa mga nasawi ay naitala sa Barangay Singcang-Airport, habang isa naman sa mga barangay ng Mandalagan, Bata, Cabug, Felisa, Taculing, Pahanocoy, at Estefania.

Tinatayang 24.4% ang naging kaso ng fatality rate o bilang ng mga taong namatay dahil sa impeksyon.

Samantala, nakapagtala ang CESU ng 45 kabuuang kaso ng leptospirosis sa taong 2022, kabilang na ang mga nasabing binawian ng buhay. Tinatayang 80% na mataas ito kumpara sa naitalang 25 kaso sa 2021, kung saan anim naman sa mga ito ang nasawi.

Probinsya

Isa sa mga pinakalumang simbahan sa Itbayat, Batanes, sinira ng ‘Leon’

Nasa edad 1 hanggang 68 ang nabiktima ng leptospirosis sa lugar ngunit mayorya sa mga ito ay nasa 21 hanggang 30 taong gulang

Ayon kay Tan, tinatayang 60% sa mga naimpeksyon at binawian ng buhay ay nai-ulat na nakaranas ng paglusong sa kontaminadong tubig, habang mahigit sa 60% ang hindi agad nakapagpakonsulta sa doktor.

“If you cannot avoid wading in flood water, use boots. You can go to the health center for information and for advisory if there is a need for you to take prophylaxis,” ani Tan.

Sinabi rin ni Tan na nagsasagawa na sila ng mga adbokasiya ng pag-aayos ng mga basura at pagbibigay ng antibiotic prophylaxis sa mga health centers. Bukod dito, naatasan din umano ang City Disaster Risk Reduction and Management Office na linisin ang mga kanal o imburnal sa lugar.