Sa unang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" sa GMA Network, ang buena manong guest ng King of Talk ay walang iba kundi si GMA Primetime Queen Marian Rivera-Dantes.

Dito ay game na sumagot si Marian sa pamosong fast talk ni Boy. Kapansin-pansing pinalitan ni Boy ang "sex" ng "happiness", kaya ang tanong ngayon ay "Happiness or chocolate?"

Sa pamamagitan ng "mahiwagang baul" ay isinagawa naman ni Boy ang part 2, ang "The Talk" kung saan manggagaling sa mahiwagang baul ang mga katanungan para sa kaniyang guest. Ang mga bagay na nasa loob ng baul ay may malaking kinalaman sa buhay ng naturang artista.

Isa sa laman ng baul ay ang kuwintas na ginamit ni Marian sa kaniyang biggest break na "Marimar" kung saan ito ang nagtatak sa kaniya bilang Primetime Queen ng GMA, matapos lisanin ni Angel Locsin ang network at lumipat sa ABS-CBN.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pag-amin ni Yan, sa panahon ng Marimar ay hindi sila gaanong nagpapansinan ng mister niyang si Dingdong Dantes.

May panahon pa ngang nainis siya rito dahil tine-text daw siya at hindi raw siya nagrereply. Biniro daw siya nito na baka naka-prepaid load lamang siya.

Nakanti ang ego ni Marian dahil totoo naman daw na naka-prepaid load lamang siya. Kaya naman, bumibili siya ng maraming cards upang magka-load siya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na kapag nagkasuweldo na siya, magpapa-linya na siya o postpaid, bagay na ginawa naman niya.

Sa ikalawang bagay naman na picture frame nilang magpamilya, nakapa-thankful at grateful ni Marian sa Panginoon dahil ibinigay sa kaniya ang matagal na niyang hiling na magkaroon ng sariling pamilya.

Tuwang-tuwa naman si Boy dahil si Marian ang una niyang guest sa FTWBA at hinding-hindi raw niya ito makakalimutan.

Samantala, ipinangako naman ni Marian na magbabalik-teleserye na siya ngayong 2023.