Kagaya ng ilang ina, may pangarap din ang Kapuso comedian-host na si Mamang Pokwang para bunso at anak nila ni Lee O’Brian na si Malia – ang pagsabak sa prestihiyusong Miss Universe.

Basahin: Ipinagpalit na ni Papang? Pokwang, may pilyang hirit ukol sa ex: ‘Akala ko ba ako na ang chaka?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito ang manipestasyon ng celebrity mom sa kaniyang Instagram post ngayong Martes na pinusuan ng kapwa celebrities.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Balang araw maririnig ko ang mga katagang ito anak, Malia Francine Subong 24 PHILIPPINES!!!!!!” mababasa sa caption ni Pockie sa mga larawan ni Malia kalakip ang #futuremissuniverse, at #manifestacion.

Sa kakyutan ni Malia, ilang kasamahan sa showbiz ang naantig para sa celebrity mom.

Kabilang sa mga pumuso at sumuporta sa manipestasyon ni Pokwang sina KC Concepcion, dating Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, Gary V, Sofia Pablo at si Melai Cantiveros.

Instagram

Ilang fans din ang naniniwala ngayon pa lang para sa potensyal na laro ng universe!

Matatandaan ang mommy noon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na nanaginip lang sa destiny ng anak sa prestihiyusong pageant suot ang red dress. Mahirap man paniwalaan, isang buhay na pakatotoo ito sa power of manifestation!

Sa pag-uulat, nasa mahigit 16,000 likes ang inani na ng Instagram post ni Pokwang.

Good luck, Malia!