Tila nadadaan na sa biruan ni Matthew Custodio, boyfriend ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, ang naging resulta Miss Universe finale kamakailan.

Matatandaang hindi pumasok si Celeste sa semifinals na ikinagulat, at ikinalungkot ng maraming pageant fans. Nabasag din nito ang labindalawang semis streak ng bansa sa prestihiyusong pageant.

Sa pagbabalik ni Celeste sa bansa, nariyan pa rin sa kaniyang tabi ang boyfriend na si Matthew na ikinaaliw nga ang isang komento online nitong Lunes.

Basahin: Celeste Cortesi, balik-Pilipinas na matapos ang Miss Universe pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“OUR MISS EL TOCUYO. 👀🤣 YOU WON ALL OUR HEARTS. ❤️ you deserved the top 16 and we ALL know it!! Forever our Miss Philippines, 🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭” mababasa sa komento ni Matthew sa Instagram comeback ni Celeste matapos ang kompetisyon.

Ang “Miss El Tocuyo” ay titulong ibinibigay ng pageant fans sa mga kandidatang frontrunners na maagang naligwak o hindi na tuluyang nakausad pa sa kompetisyon.

Apat na emojis na may flying kiss naman ang tugon lang ng beauty queen sa kasintahan.

Instagram

Ikinaaliw naman ng maraming pageant fans ang tila pambabardagul na rin ng dyowa sa Pinay rep.

“Nilaro tayo ni Jowaaaaa❤️👑!” reaksyon ng isnag fan.

“@mathewcustodio LARO HAHAHA may basbas ng jowa @misseltocuyoaward 😍🔥❤️!”

“The only miss el tocuyo who will forever be loved by everyone especially you and all the Filipinos around the world 🇵🇭!”

“@celeste_cortesi my tears are falling na and saw this comment hahahahaha. huwaaay naman nilaro ni jowa 😂!”

“Larooo! El Tocuyo Pasay City!!! 😂”

Ilang tagasuporta rin ni Celeste ang nagpasalamat kay Matthew na support system bago at matapos ang kompetisyon.

“Thank you for being literally the best boyfriend😍😍. The support you have for @celeste_cortesi is overflowing, wishing you both brighter days ahead together!” sey ng isang fan.

“@mathewcustodio love this!😍😆 Btw kuya math! Thanku for always being there for our cheche Wala man kami sa new Orleans para pagaanin ang loob Ni Cc anjan ka for her! Love u both My parents stay strong!😍❤️!”

Sa Facebook, opisyal nang iginawad kamakailan ng isang meme pageant page ang “El Tocuyo Award” kay Celeste.

Anang fans, paalala lang ito sa pinatunayang kalidad ng Pinay para sa potensyal na placement sa prestihiyusong kompetisyon.

Biro pa nila, sa wakas, nasungkit na rin ng Pilipinas ang inaasam-asam na golden crown!

Basta win or lose, mahal ka namin Celeste!