Tila hindi pa maka-get over si Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos muling makasama sa stage ang kaniyang idol na si Ne-Yo sa katatapos lamang na “Live in Concert” nito sa Araneta Coliseum, Lunes ng gabi, Enero 23.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Catriona ang videos ng kanyang pagrampa sa Miss Universe 2018 at sa naganap na concert ng Grammy-winning singer-songwriter.

“Huhu got to the share the stage with @NeYoCompound twice (whaaat) huhu my fangirl heart is so happy,” saad ni Catriona na with matching teary-eyed emojis pa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/catrionaelisa/status/1617705321727922176?s=46&t=7_q5Dem1JuiA3mX0FBdhaA

Sa mga viral videos online, makikitang tinanong ni Ne-Yo ang beauty queen kung ano ang pangalan niya at pinaalala ni Catriona na una na silang nagsama sa stage sa final look ng Top 3 noong Miss Universe 2018 sa Thailand.

Maaalalang kasabay ng pagsikat ng “Lava Walk” ay siya ring pagsikat muli ng awitin ni Ne-Yo na “Miss Independent” at naging iconic na ito sa kasaysayan ng pageant.

Hindi na sikreto sa lahat na si Catriona ay big fan ni Ne-Yo. Oktubre noong nakaraang taon nag-tweet pa nga ito ng “Lava walk part 2?” dahil sa excitement na makita at mapanood muli ang R&B star.

https://twitter.com/catrionaelisa/status/1577538376273920000?s=46&t=R8sdjRSBt-b6OeqttecJbA

Ilang oras naman bago magsimula ang concert ni Ne-Yo, nagpost si Catriona sa kanyang Instagram account nasa venue na raw si “Miss Independent”. Trending din ang nasabing awitin sa Twitter.

Sold-out ang dalawang gabing concert ni Ne-Yo sa Pilipinas na inihatid ng Wilbros Live.