URDANETA CITY, Pangasinan -- Idineklarang dead on arrival ang 17-anyos na estudyante nang masagasaan ito habang tumatawid sa by-pass road ng Brgy. Nancayasan dito, noong Linggo, Enero 22.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ernest Jules Draculan, Grade 11 student, at residente ng Zone 3 Brgy. Cayambanan, Urdaneta City.

Habang ang driver naman ng puting Mitsubishi Lancer ay kinilalang si Mando T. Valdez y Cruz, 39, residente ng Brgy. Isla, San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng imbestigador, tinatahak ng driver ang kanlurang direksyon ang aksidente nitong mabangga ang biktima.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagtamo ng minor injuries ang driver habang ang biktima naman ay nagtamo ng matinding sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan nito.

Dinala ang estudyante sa Urdaneta District Hospital ngunit ito ay idineklarang dead on arrival ng doktor.

Samantala, nasa kustodiya na ng Urdaneta Police ang driver at ang kaniyang sasakyan.