Ibinahagi ng director-writer ng "Katips" at upcoming movie na "Ako si Ninoy" na si Atty. Vince Tañada na kamakailan lamang ay na-bash siya sa Twitter dahil sa "cheap bakal gym" lamang daw siya nagbubuhat gayong kine-claim daw niya na malaki ang kinita ng kaniyang pelikula.

"Flex ko lang yung gym ko… nabash kasi ako sa Twitter, sabi ng isang Netizen: 'Akala ko ba malaki ang kinita ng Katips, bakit sa cheap bakal gym ka nag-gigym?' ayon sa Facebook post ng direktor.

Depensa niya, "Wala naman sa sosyal na gym 'yan… nasa perseverance ng nag-gigym at patience ng trainer 'yan. Kaya proud ako sa A2E Gym (Di ko sila sponsor ah, nagbabayad ako ng monthly sa kanila) kasi kahit bakal gym lang ito, sila ang nagpaganda ng katawan namin. Lalo na yung lodi ko na Coach si Eric Serrano," aniya pa.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Flinex naman ng direktor ang ilan sa mga kuhang litrato niya kasama ang tinukoy na coach, gayundin ang isa sa mga artista niyang si Johnrey Rivas na nagwaging Best Supporting Actor sa FAMAS.