Matapos mabasa ang pang-ookray ng ilang netizens online sa kaniyang short hair, may resbak na ang singer na si Gigi De Lana sa ilang bashers.

Ito ang viral na pagtugon na kamakailan ng online singing sensation matapos hindi magustuhan ng ilan ang pagpapagupit niya ng buhok.

Matatandaang Oktubre noong 2022 nang unang masilayan ng fans ang new look ni Gigi suot nga ang kanyang maiksing buhok. Bagaman marami naman ang nasiyahan sa bagong hairstyle ng singer, marami rin sa kaniyang followers ang tila hindi nasanay sa look na ito ni Gigi.

Anila, mas maganda kasi umano sa singer ang kaniyang long hair.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Kaya naman nagpaliwanag na si Gigi kamakailan.

“Guys, alam niyo super valid ‘yung mga comments niyo sa akin: ‘Pumangit ka,’ Mas bagay sa’yo ‘yung long hair mo,’ ‘Bakit ka nagpagupit?’ ‘Pa-hair extensions ka na lang,’” pagsisimula ng singer sa isang reel sa Facebook.

Depensa niya, “Guys, kahit magpakalbo ako, wala tayong magagawa. Kayo din naman nagpapagupit. Kung trim-trim lang, nagpagupit pa rin kayo. Okay lang yan.”

Dahil dito, ilang solid fans naman ang agad na rumesbak para kay Gigi.

“You are beautiful, Period. You look good w/ short,long or no hair! That’s okay!” sey ng isang fan.

“You do you chica! You're still gorgeous as can be,” segunda ng isa pa.

“You look gorgeous Ms. Gigi. Deadma sa mga mapanglait n bashers!”

“Still look pretty in any hairstyle. Don't mind the others❣️!”

“Look younger nga in short hair, ganda pa rin!”

“I am your biggest fan, no matter what you do with your hair. Your voice is simply amazing!”

“Your body, your rules. as long as you are happy. Don't mind anyone. haters will always hate no matter what!”

“You are absolutely gorgeous with your short hair. Short or long hair, beautiful pa din. Regardless, you are awesome.”

Si Gigi ay unang nakilala bilang finalist ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”

Lalo pang sumikat ang singer nang tangkilikin ang kanilang online sessions noong kasagsagan ng pandemya, taong 2021, kasama ang bandang The Gigi Vibes.

Ngayon, si Gigi ay isa na sa pinakasikat na singers sa bansa at napapanuod na rin sa Sunday music variety show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To.”