'IT’S TRUE BABY IT’s MEEE'

Ikinagulat ng netizens na ang isa sa mga lyricist ng latest English track ng Kpop group na Twice na 'MOONLIGHT SUNRISE' ay isang Pilipina.

Apat na tao na sina earattack, Kaedi Dalley, 이우현, ang bumuo ng latest song ng nasabing Kpop group, at kabilang dito ang 'Pinay na si Nina Ann Nelson.

Mismong si Nina na ang nagkumpirma nito sa kaniyang Twitter account.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

https://twitter.com/ninaannnelson/status/1616903713024774145?s=20&t=q-A0f7BjWNjapFNo87VWww

Si Nina ay isa sa limang miyembro ng Los Angeles-based, all-female group na "Citizen Queen."

Ang kantang MOONLIGHT SUNRISE ang ikalawang full-English song ng Twice matapos nitong ilabas ang kantang "The Feels" nakaraang taon bilang first-ever full English song.

As of writing, trending na sa top spot sa YouTube ang MOONLIGHT SUNRISE, na tumabo na ng aabot sa 29 million views.