Inabangan ng maraming Kapuso audience nitong Linggo ang pagbabalik-entablado ng kauna-unahang The Clash winner na si Golden Cañedo para sa pagbubukas ng bagong season ng nasabing talent reality show.

Sa wakas kasi, nakasama muli ng young singer ang kapwa champions na sina Jeremy Tiangco, Jessica Villarubin at Mariane Osabel. Sila ang highlight sa pilot episode ng ikalimang season ng award-winning Kapuso singing competition na mapapanuod na tuwing Linggo.

Samantala, senyales na nga ba ito sa pagbabalik-telebisyon na si Golden? Ito ang maraming tanong ng fans na na-miss ang Kapuso young singer.

Matatandaang unang napabalita na binigyang-prayoridad muna noon ni Golden ang pag-aaral dahilan ng kaniyang pagkawala sa GMA partikular na sa musical variety show na All-Out Sundays o AOS.

Tsika at Intriga

Darryl Yap, may buwelta sa mga nagsasabing sinayang si ex-VP Leni

Basahin: The Clash champ Golden Cañedo, isa nang ganap na student nurse! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang Instagram post ngayong Lunes, ibinahagi ng singer ang kaniyang naging look sa opening production.

Ilang komento ng fans na nasiyahan sa pagbabalik ni Golden sa TV ang mababasa rito.

“Welcome back golden khit tape nlng kita mapanood.❤️”

“Welcome back.. sana mag comeback kana permanently sa AOS... But we understand that you prioritize your Study... Good luck and we will see you again on air soon... 🫰😍❤️”

“Gorgeous! Still my fav clash winner 👏🔥😍!”

“So pretty Golden. We miss you ♥️!”

“Miss ka na namnin,, sana balik ka na sa AOS!”

“Please come back to AOS ❤️!”

“Trending ka dzae!!!!!!! Golden is back👏😍👏😍👏😍👏!”

“Nakakamiss ka sa stage golden!”

“Yeahh. Super Happy you are back 😍 Besides Soo Proud of you with your Achievements 👏 Enjoy Golden. The Stage is yours again 🥰❤️😘!”

Samantala, hindi naman malinaw kung hudyat na rin ng kaniyang permanenteng TV comeback ang naging appearance ni Golden sa The Clash.

Kasalukuyang nasa Amerika si Golden base sa ilang Instagram updates.