Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki habang naglalakad sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng madaling araw.

Dead on the spot si Adrian Ochangco, 23, sanhi ng tatlong tama ng bala sa likod.

Kaagad namang tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Raxabago Police Station, ang insidente ay naganap sa Road 10, tapat ng Smokey Mountain.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Naglalakad lamang si Ochangco sa lugar nang makarinig ang mga residente ng tatlong sunud-sunod na putok ng baril.

Nagulat na lang umano ang mga residente nang makitangbumulagta ang biktima.

Bago ang pamamaril, sinamahan pa umano ng biktima ang isang alyas ‘Marjorie’ upang kunin ang biniling damit sa isang gusali sa Tondo, dakong ala-2:30 ng madaling araw.

Sa pahayag naman ng kamag-anak ng biktima, bago nakipagkita kay ‘Marjorie’ ay sinundo ng dalawang lalaki si Ochangco sa kanilang bahay.

Laking gulat na lang umano nila nang matapos lamang ang ilang oras ay nadiskubre na itong patay.

Iimbestigahan na ng pulisya ang kaso.