Hindi aakalain ng lahat na bago ang tinatamasang masayang buhay may-asawa ngayon katuwang si Ion Perez ay nakalimang chicks pala noon si Jose Marie Viceral o ngayo’y kilala ng madla bilang si “Vice Ganda.”

Ito ang buong paglalahad ng komedyante sa ikalawang episode ng Iskovery Night ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa YouTube.

Isa nga sa napag-usapan ng dalawa ang naging kabataan ni Vice Ganda sa Blumentritt sa Maynila, partikular na ang naging pagtanggap ng noo’y “Totoy” sa kaniyang sekswalidad.

“I have always known, I have always felt na bakla ako. Alam ko na pero nilalabanan ko siya kasi sabi ko nga dati, mag-gi-girlfriend ako. I was trying to cure it until I realized-bakit ko kinu-cure eh hindi naman ‘to sakit, o disability. Hindi naman siya nagbabago, nagka-girlfriend lang ako pero bakla pa rin ako,” pagbabahagi ng Kapamilya star kay Isko.

James Reid, nagoyo ni Jeffrey Oh?

“Hindi ko kayang humalik. ‘Di ko kayang humalik sa labi. Hindi ko kayang humawak sa d*d*. Nanginginig ako na naninigas ako, I swear kinilabutan talaga ako,” dagdag na natatawang paglalahad pa ng “Unkabogable Star.”

Sunod na ibinahagi pa ni Meme ang ilang beses na pakikipagdate pa niya noon na nauwi lang sa lalong pagkadiskubre niya sa totoong pagkatao.

“‘Yun ka. Hindi talaga ‘yun mababago. Kahit anong klaseng pagbabagong ipilit o ilagay mo sa sarili mo, sinasabi mo lang ‘yun pero hindi mo talaga ‘yun nababago,” aniya.

Ang panayam ay ikalawa sa release ng unang season ng online show.

Nauna nang nakapanayam ni Isko sa parehong palabas si Kapamilya star Coco Martin.