Sa mahigit tatlong minutong clip tampok ang ilang highlights sa “sold-out” concert ni Toni Gonzaga kamakailan, nagpaabot ng pasasalamat ang TV personality at content creator sa mga tumangkilik na fans.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Maraming maraming salamat sa lahat ng nanuod at sumuporta sa ating 20th Anniversary and birthday celebration, 🙏🏼” mababasa sa caption ni Toni.

“My heart is full of love and gratitude.❤️ Thank you for making it so memorable and special. This night will forever be in my heart. To God be the glory always!🙏🏼” dagdag niya.

Ilang malalapit na kapamilya at kaibigan ang muling bumati sa matagumpay na show ng TV personality.

“You da best sisss!!! 👏👏🙌🙌” saad ng kapatid na si Alex Gonzaga.

“Congratulations and happy birthday, @celestinegonzaga!” komento ni Ruffa Gutierrez.

“Wooohooo!!! Super Congratulations!!!” pagbati ni Andrew E.

“🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥 Congratulations and Happy Birthday my Dear! 🤍🤍🤍” saad ni Gideon Hermosa.

Sa Instagram, umabot na agad sa mahigt 39,000 ang naturang post matapos lang ang tatlong oras.