Viral ngayon ang kumakalat na video tungkol sa pagbabalik ng Pinay beauty queen na si Janina San Miguel sa pageant world, na dating inokray ng netizens dahil sa sagot niya sa Q and A noong sumali siya sa Binibining Pilipinas 2008.

Ayon sa Pinoy pageant fans, maaaring na "mental block" lamang siya noon kaya hindi niya nasagot nang maayos ang tanong na, ''What role did your family play for you as a candidate to Binibining Pilipinas?''

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ito naman ang kabadong sagot ni Janina, "Oh I'm so sorry, my family… my family…Oh my god! I, I did not expect that I came from, I came from one of the top 10. Hmmm, so… but I said that my family is the most important persons in my life. Thank you!" Tumatak ito sa netizens at naging meme online.

Kahit na kabado, si Janina San Miguel ay humakot ng dalawang malaking parangal sa kompetisyon, "Best in Long Gown at Best in Swimsuit." Itinanghal din siyang Binibining Pilipinas-World 2008.

Sa interbyu ng CNA Insider kay Janina, ibinunyag nito ang hindi umano magandang kalakaran sa pageant industry, na naging dahilan kung bakit siya nag-resign sa kaniyang titulo.

Aniya, "Noong nandoon na kami, sinabi na 3 million (pesos) for a one-night stand. 'Yung 25 million (pesos), gagawin ka niyang girlfriend, bibigyan ka niya ng car, condo, resort, lahat."

Dagdag pa niya, "Iyon na nga 'yung maduming kalakaran nila. Ang dami talagang gustong maging girlfriend or wife ang isang beauty queen."

Samantala, ikinatuwa ng libo-libong netizens ang pagbabalik ni Janina sa pageant world at nagbigay ng buong pagsuporta ang Pinoy pageant fans sa pagsali niya sa "Mrs. Face Tourism Philippines 2023."

Narito ang komento ng netizens:

"Winner! She is more confident now and that's all that matters."

"Confidence talaga panlaban niya sa stage."

"Wow! You have my support, Janina San Miguel!"

"For sure she doesn't feel any pressure right now."

"Magaling naman talaga siya kahit noong binibini days, kaso kapag kabado sa stage nakaka-mental block talaga. May screening naman kasi before mag-join kaya nakapasok siya sa binibini noon, kaso lang iba talaga kapag nasa center stage. Kabado siya noon."