Hindi nakaligtas sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese matapos dakpin sa Iloilo kaugnay sa kinakaharap na patung-patong na kaso sa Japan.

Si Yohhei Yano, 43, ay dinampot ng mga elemento ng FugitiveSearch Unit (FSU) ng BI sa Guimbal Port, Iloilo nitong Enero 17.

Ikinatwiran ni BI Commissioner Norman Tansingco, humingi sa kanila ng tulong ang mga awtoridad sa Tokyo, Japan kaugnay sa pagkakasangkot umano ni Yano sa kasong robbery, extortion at telecommunication fraud.

Hawak din aniya ng BI ang warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa Yokkachi sa Japan noong Agosto 2022 laban kay Yano.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nakatakda na aniyang i-deport si Yano dahil illegal din ang pananatili nito sa bansa matapos ipawalang-bisa ng Japanese government ang pasaporte nito.

Philippine News Agency