Nagkomento ng hashtag si Kapuso news anchor Arnold Clavio sa naging tirada ni Henyo master at "Eat Bulaga" host Joey De Leon hinggil sa bashers na matatagpuan sa salitang "giting" kapag pinaghalo-halo na ito.

Aniya, ang bashers daw ay may "giting" o tapang na manira o mamuna ng ibang tao.

"Anong meron ang isang basher bukod sa giting o tapang para manira o mamuna ng ibang tao? Ang sagot, halu-haluin n'yo ang mga letra ng salitang giting at makukuha n'yo ang salitang inggit," sey ni Joey noong Enero 19.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga sumang-ayon sa mga tinuran ni Joey, subalit marami rin ang nagsabing kailangan munang humarap sa salamin ng komedyante-TV host dahil siya rin mismo ay basher din ng ibang artista at show na katapat nila.

Joey De Leon, may 'henyong' banat sa bashers: 'Halu-haluin letra ng salitang giting!'

Nagkomento rin dito ang broadcaster na si "Igan".

"#bringbackhumanity," aniya.

Subalit sa halip na sang-ayunan ay tila na-trigger naman ang kaniyang sariling bashers at nagpatutsada sa kaniya.

"Tsaka ka na kumuda pag may followers ka na at pag may lakas ng loob ka nang magpa-comment sa comment mo."

"Anong konek, abnoy?! ulol!"

"Sarah balabagan story."

Si Sarah Balabagan-Sereno ay dating Overseas Filipino Worker (OFW) na nagsabing may "secret relationship" daw sila ni Igan at nagkaroon pa ng anak, noong siya ay 17 taong gulang.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o komento si Clavio hinggil dito.