Usap-usapan ngayon ang muling pagbabalik bilang Kapuso ng award-winning actress na si Sunshine Dizon, matapos mapanood sa isang Kapamilya serye noong 2021.

Matatandaang nagulantang ang mga Kapuso nang i-anunsyo ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN na kabilang sa cast members ng "Marry Me Marry You" nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang homegrown artist ng GMA Network na si Sunshine.

Ayon sa mga alingasngas, hindi na raw nirenew ng network ang kontrata ni Shine kaya isa na siyang freelance artist. Winelcome pa nga at sinundo siya ng mga dating Sanggres sa orihinal na "Encantadia" na sina Karylle at Iza Calzado na pawang mga Kapamilya na rin.

Matapos matsugi sa ere ang Marry Me Marry You ay wala nang sumunod na teleserye si Sunshine sa Dos. At ngayong 2023 nga, bali-balitang mapapabilang siya sa tinaguriang "megaserye" na "Ang Lihim ni Urduja" na pagbibidahan ni Kylie Padilla, kasama pa sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at iba pa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, bali-balita ring kabilang ang "Eat Bulaga" host na si Miles Ocampo sa pagbabalik-Primetime ni Coco Martin, ang "FPJ's Batang Quiapo".

Kasama rin dito ang dating Kapuso at naging Kapamilya na si Ryza Cenon.

Noong 2021 ay umalis sa poder ng Star Magic si Miles at lumipat sa talent management ng dati ring Kapamilyang si Maja Salvador at fiance na si Rambo Nunez.

Sa lahat ng ito ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ng dalawang artista. Abangers na lang!