Isang madamdaming mensahe para sa kaarawan ng mister na si Richard Gutierrez ang ipinaskil ni Sarah Lahbati nitong Sabado.

Ito ang mababasa sa Instagram post ng aktres, at celebrity mom.

Kalakip ang serye ng mga larawan nila ni Richard, iflinex ni Sarah ang asawa na abot-abot ang pasasalamat sa Diyos para sa buhay nito.

“Thank you for being such a good listener, an incredible adviser, the most fun adventurer, such a loving dad to zion & kai, for being my best friend, and for being an amazing husband. ♾️ Being next to you makes me a better woman. Thank you for being you,” mababasa sa Instagram post ng aktres.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dalangin niya na matupad ang mga pangarap pa ng mister.

“I’ll always be right beside you to cheer you on and be your number one supporter. always and forever proud of you. I love you, @richardgutz 🤍 ♾️” saad ni Sarah.

Pinusuan ng marami ang matamis na pagbati ni Sarah sa asawa, isa na rito si Kapuso royalty Marian Rivera na nag-iwan ng heart emoji sa post ng aktres.

Bumuhos rin ang pagbati kay Richard mula sa ilang kasamahan sa showbiz kabilang na sina Bianca Manalo, Bubbles Paraiso, Mariel Padilla, Tim Yap, Neri Miranda, bukod sa maraming iba pa.

Pinusuan ng nasa mahigit 203,000 netizens ang post ni Sarah sa pag-uulat.